38
• Ang appliance na ito ay para lang sa paggamit sa tahanan; tatanggalin ng anumang maling paggamit o paggamit na
hindi sumusunod sa mga tagubilin ang lahat ng pananagutan ng brand at makakansela ang garantiya.
• Basahin nang mabuti ang mga tagubilin para sa paggamit bago gamitin ang iyong appliance sa unang pagkakataon:
Walang tatanggaping pananagutan ang Tefal kapag ginamit ito sa anumang paraan na hindi sumusunod sa mga ta-
gubilin.
Para sa iyong kaligtasan, sumusunod ang appliance na ito sa lahat ng naaangkop na pamantayan at regulasyon.
• Ang appliance na ito ay hindi dinisenyo upang gamitin ng mga tao (ka-
bilang ang mga bata) na may mahinang kakayahang pisikal, panram-
dam o sa pag-iisip, o ng mga taong walang pang kaalaman o karanasan,
maliban kung binabantayan sila o binigyan ng paunang tagubilin para
sa paggamit sa appliance ng taong may pananagutan para sa kanilang
kaligtasan.
Dapat bantayan ang mga bata upang makatiyak na hindi nila paglala-
ruan ang appliance.
• Huwag gamitin ang appliance kung may sira ang kurdon ng kuryente.
Dapat palitan ng isang Approved Service Centre ang winder ng kurdon
at ang kurdon ng iyong vacuum cleaner dahil kinakailangan ang mga
espesyal na kagamitan para sa pagkukumpuni upang maiwasan ang
anumang panganib.
1. Mga tuntunin at kundisyon ng paggamit
Ang iyong vacuum cleaner ay isang electrical na appliance: dapat itong gamitin sa mga normal na kundisyon sa pag-
papatakbo.
Gamitin at itabi ang appliance kung saan hindi maaabot ng mga bata. Huwag kailanman iwanang naka-on ang vacuum
nang walang nagbabantay.
Huwag ilapit ang nozzle o ang dulo ng tube sa mga mata o tainga.
Huwag mag-vacuum ng mga basang bahagi, anumang uri ng likido, mainit na bagay, napakapinong bagay
(plaster, semento, abo, atbp.), malalaki at matatalim na bagay (salamin), nakakahamak na produkto (mga
solvent, abrasive, atbp.), corrosive na produkto (mga asido, panlinis, atbp.), o produktong maaaring masu-
nog o sumabog (gawa sa langis o alcohol).
Huwag kailanman ibabad ang appliance sa tubig; huwag basain ng tubig ang appliance at huwag itabi sa labas.
Huwag gamitin ang appliance kung nabagsak ito at may nakikitang pinsala rito, o kung hindi ito gumagana nang
maayos.
Sa ganitong kaso, huwag buksan ang appliance kundi ipadala ito sa pinakamalapit na Approved Service Centre o ma-
kipag-ugnayan sa Tefal Customer Services.
2. Supply ng kuryente
Tingnan kung tumutugma ang voltage ng iyong vacuum cleaner sa iyong domestic na supply ng kuryente. I-off at
tanggalin sa pagkakakonekta ang appliance sa pamamagitan ng pagbunot sa saksakan nang hindi hinihila ang kurdon:
kaagad pagkatapos gamitin, bago magpalit ng mga accessory, bago ang paglilinis, pagpapanatili o pagpapalit sa fil-
ter.
3. Mga Pagkukumpuni
Ang mga pagkukumpuni ay dapat lang isagawa ng mga espesyalista gamit ang mga orihinal na pamalit na piyesa.
Maaaring mapanganib ang mga pagkukumpuni na gagawin ng gumagamit at makakansela nito ang garantiya.
GARANTIYA
MGA TAGUBILIN PARA